Pasig, naglaan ng P1.2B para sa tablet at laptop ng mga estudyante at guro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pasig City Mayor Vico Sotto

Inaprubahan ng Pasig City Council ang P1.2 bilyong badyet upang makabili ng mga tablet computers para sa mga mag-aaral at laptop para sa mga guro, upang magamit sa darating na pasukan dahil sa ipinagbabawal pa rin ang pisikal na pagdaraos ng klase.

Sa isang social media post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nakipag-ugnayan siya sa Department of Education (DepEd) tungkol sa pagbabalik-eskwela na maaaring ganapin sa pamamagitan ng virtual learning o di kaya sa tradisyunal na face-to-face learning.

Ayon naman kay Pasig City Rep. Roman Romulo, na pinuno rin ng House committee on basic education and culture, maglalaan ng P1 bilyon para mapondohan ang nasabing proyekto batay sa bilang ng mga mag-aaral sa Pasig na tinatayang nasa 140,000.

Mga 138,000 na elementary at high school students ang mabibigyan ng gadyet na binili mula sa special education fund ng lungsod.

Sinabi ni Vice Mayor Christian Caruncho-Bernardo na kabilang din sa proyekto ang mga mag-aaral ng day care, grade school at special education (SPED) program ng pamahalaang lokal.

Samantala, wika naman sa isang panayam ni City Councilor Corazon Raymundo, chairperson ng committee on education, nakikipag-koordinasyon ang lungsod ng Pasig sa DepEd division nito.

Naglalaro sa P6,000 o P7,000 ang halaga ng tablet para sa bawat 75,019 elementary students, 49,100 junior high schoolers, at 10,820 senior high schoolers, ani Raymundo.

LATEST

LATEST

TRENDING