Duterte, nagbabala tungkol sa mga negosyanteng iligal na ginagamit ang kanyang pangalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa ilang mga negosyanteng ginagamit aniya ang kanyang pangalan upang kumita.

Sinabi ng pangulo na huwag paniwalaan ang sino mang nagpapakilalang miyembro ng kanyang pamilya.

“Huwag kayo magpaloko lalo na ‘yung mag gamit ng pangalan ko kasi ‘yung mag gamit ng pangalan ko, sigurado palpak ‘yan, raket ‘yan, krimen ‘yan,” ani Duterte.

Dagdap pa, “Kasi kung negosyo mo tama, walang problema, eh bakit gamitin mo pangalan ko?”

Pinaalalahanan niya ang publiko na mag-doble-ingat sa kanilang mga transakyon dahil sa paglipana ng mga scammer.

Giit pa niya, “Panahon sa lokohan, di naman talaga natatanggal ‘yan. There’s always a sucker born every minute (Palaging may manlolokong pinapanganak bawat minuto).”

Naunang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakipag-ugnayan ito sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang masugpo ang iligal na bentahan online.

LATEST

LATEST