Kinansela ng Cebu Pacific ang mga flights nito patungong General Santos City simula Sabado, Hunyo 6. Ang mga nakanselang flights ay ang 5J 995 Manila-General Santos, at 5J 996 General Santos-Manila.
Wala namang impormasyon kung hanggang kailan magtatagal ang kanselasyon. Ayon sa airline, ang pagkansela ng mga flights ay dahil sa mga paghihigpit na ipinatutupad ng pamahalaang lokal.
Naunang ipinahayag ng Cebu Pacific na magkakaroon ito ng mga flights sa pagitan ng Manila at General Santos mula Hunyo 5 hanggang 7.
Ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag full refund o di kaya ay ilagay ang halaga ng ticket bilang travel refund. Puwede rin magpa-rebook nang walang rebooking fee at fare difference sa ibang petsa sa loob ng tatlong buwan.
Muling pinaalalahana ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga locally stranded individuals (LSIs) na huwag nang magtugno sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hangga’t walang kumpirmadong flight.
Ang mahabang pananatili sa labas ng airport building ay maaring magdulot pa aniya ng banta sa kalusugan.