Malacañang: Sidecar, makakabiyahe na sa highway

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Motorsiklong may sidecar, pinapahintulutan nang bumiyahe sa national highway upang mapunan ang kakulangan sa transportasyon ngayong panahon ng community quarantine, ayon sa Malacañang.

“Pinapayagan na po ngayon ang mga sidecars sa national highways,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

“‘Yan po ay para maibsan ang kakulangan ng transportasyon ngayong nag GCQ na at MGCQ sa maraming areas,” dagdag pa niya.

Naunang pinayagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagkakabit at paggamit ng mga sidecar sa motorsiklo habang ipinagbabawal pa rin ang pag-anglas o backride.

Ito rin aniya ay upang matiyak na magkakaroon ng physical distancing.

“Lagyan na lang ng sidecar ang motor puwede na niya isama ang kaniyang misis, ganun nalang po solution habang andiyan pa ang virus,” giit ni Año.

LATEST

LATEST

TRENDING