Duterte, mas gustong tinatawag na “Mayor”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya gustong tinatawag siyang “Your Excellency” kahit noong nanunungkulan pa siya bilang alkalde ng Davao City.

Stop calling me ‘excellency’. Do not call me ‘Your Excellency.’ I am not ‘Your Excellency’… I appreciate it more if you call me mayor (Itigil niyo ang pagtawag sa akin ng ‘Your Excellency’. Hindi ako ‘Your Excellency’… Mas gusto ko kung tatawagin niyo akong mayor),” wika ng pangulo sa pagpupulong kasama ang Gabinete.

Naunang naglabas ng direktiba si Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na ihinto ang pagtawag sa kanya ng “His Excellency” at “Honorable” sa mga opisyal na komunikasyon.

The President shall be addressed in all official communications, events or materials as ‘President Rodrigo Roa Duterte’ only, and without the term ‘His Excellency,’ (‘President Rodrigo Duterte’ lamang ang dapat gamitin sa pag-address sa pangulo at hindi kasama ang terminong ‘His Excellency’),” paglilinaw ng memorandum.

Dagdag pa, “All members of the Cabinet shall be addressed in all official communications submitted to the Office of the President as ‘Secretary’ only and without the term ‘Honorable’ (Ang lahat ng miyembro ng Gabinete ay i-a-adress bilang ‘Secretary’ sa mga opisyal na komunikasyon at wala ang terminong ‘Honorable’).”

Subalit, nakasaad din sa memorandum na maaari pa rin, kung gugustuhin ng mga ahensya at opisina ng pamahaalan, na gamitin ang terminong “Honorable” sa pag-address sa mga pinuno ng kani-kanilang mga opisina sa mga panloob na komumiskasyon at dokumento.

LATEST

LATEST