Konstitusyonalidad ng Bayanihan Act, kinuwestyon sa Korte Suprema

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naghain ng petisyon ang abogadong si Jaime Ibañez, dating dekano ng Laguna State Polytechnic University College of Law, na kumekwestyon sa konstitusyonalidad ng Bayanihan to Heal as One Act at iba pang presidential issuances tungkol sa Covid-19 sa Korte Suprema.

Noong Hunyo 2, isang Petition for Certiorari and Prohibition ang inihain ni Ibañez na naglalayong ibasura ang Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act dahil labag aniya sa Saligang Batas ang pagpapasailalim ng bansa sa enhanced community quarantine (ECQ).

Nais din ni Ibañez na pigilan ng Korte Suprema ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magpatupad ng mga patakaran hinggil sa community quarantine sapagkat ito ay di umano’y  “invalid delegation of legislative authority” na nilalabag ang due process at equal protection clauses ng Saligang Batas.

Ang Bayanihan Act ay nagbigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglipat ng pondo upang magamit ito sa pagresponde kontra Covid-19, at magpatupad ng mga kaparusahan sa mga lokal na opisyal na hindi susunod sa mga itinatag na emergency measures.

Iginiit ni Ibañez na unconstitutional ang naturang batas dahil binigyan nito ng kapangyarihan ang pangulo nang higit pa sa kinakailangan dahil sa pariralang “for other purposes” na nakasaad sa batas.

Ang “for other purposes” na nakasulat sa batas ay katumbas di umano ng “undue delegation of power” o maling pagbibigay ng kapangyarihan. Binigyang diin din ni Ibañez na walang kapangyarihan magpatupad ng mga patakaran ang IATF-EID sapagkat ang kapangyarihang ito ay nasa Kongreso.

Ang IATF-EID, na kinabibilangan ng ilang ahensya ng pamahalaan, ay inatasang magpatupad ng mga pamantayan tungkol sa pagtugon ng bansa sa Covid-19 pandemic habang nasa kasagsagan ng  public health emergency.

Ayon sa petisyon, “The IATF has no power to define the law on quarantine, set its own parameters and restrictions and to even invent the Modified Enhanced Community [Quarantine] according to its own bizarre definition, which all amount to an exercise of grave abuse of discretion (Walang kapangyarihan ang IATF na magpatupad ng mga patakaran at paghihigpit, lalo na ang pag-imbento ng Modified Enhanced Community Quarantine na isang matinding pag-abuso sa diskresyon)”.

Binaggit din niyang walang palisiyang nagdidikta sa pangulo na pigilan ang paggalaw ng tao. Nilabag aniya ng The IATF-EID ang equal protection at due process clauses ng Saligang Batas sa pag-isolate ang mga taong hindi naman nahawa ng Covid-19.

Locking or putting individuals who are not COVID-19 patients and the like, and placing  them to quarantine area with unlimited period, is a complete disregard of the safeguards embodied in the bill of rights (Ang pagkulong sa mga hindi Covid-19 positive sa mga quarantine areas nang walang kasiguraduhan ay tahasang paglabag sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) na nakalathala sa Saligang Batas),” wika ni Ibañez.

Kasalukuyang tinatalakay ng mga mambabatas ang panukalang pagpapahaba sa Bayanihan Law nang tatlo pang buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING