Catriona Gray, nakilahok sa kampanyang pagbasura sa Anti-Terror Bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakilahok sa umaalingawngaw na usapin tungkol sa kontrobersyal na panukalang Anti-Terrorism Act of 2020 si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang Instagram post, shinare ni Gray ang isang bahagi ng payahag mula sa National Union of Journalists of the Philippines tungkol sa nasabing bill.

If a law to fight terrorism is to be contemplated, let the respect and defense of human rights be the paramount consideration (Kung magpapasa ng batas kontra terorismo, dapat isaalang-alang ang pagrespeto ay pagprotekta sa karapatang pantao),” giit ng pahayag. na shinare ni Gray.

Sa caption ng imahe, hinikayat ng Miss Universe ang kanyang followers na manatiling mapagmaytag sa gitna ng mga iba’t-ibang dagok na kinakaharap ng bansa tulad ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know a lot of us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, don’t allow that to be the reason we revert into silence and turn a blind eye (Napakaraming nagaganap sa ating mundo at bansa sa ngayon, at alam kong marami sa atin ang gustong umiwas na lang sapagkat nakakapanghina ang mga pangyayari. Ngunit, nakikiusap akong huwag tayong manahimik at magbulagbulagan dahil dito).”

We need to stay engaged because this is where our voices count. So let’s help each other by creating spaces that help us keep each other informed and help us understand what’s going on (Dapat lumahok tayo sa mga usapin dahil may karapatan tayong ihayag ang ating tinig. Kaya naman magtulungan tayo upang lumikha ng ligtas na lugar kung saan malaya tayong makikipagtalakayan sa mga nangyayari).”

Sa kanyang Instagram Stories, nagcompile si Gray ng iba’t-ibang impormasyon hinggil sa Anti-Terrorism Bill, kabilang ang ilang probisyon ng Saligang Batas tungkol sa kalayaang magpahayag, kasama na rin ang tindig ng Commission on Human Rights (CHR) tungkol sa isyu.

I’ve taken the time to research and digest information and come to my own conclusions and I implore you all to do the same (Inaral at ginawan ko ng buod ang mga nakalap kong impormasyon upang makagawa ng sariling tindig sa isyu, at hinihikayat ko kayong gawin din ito),” wika ni Gray.

I’m not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself (Hindi ko kayo gustong impluwensyahan sa isang uri ng pag-iisip. Sa halip, gusto ko kayong impluwensyahang mag-isip para sa inyong mga sarili),” pagbibigay linaw ni Gray sabay paggamit ng hashtag na #JunkTerrorBill.

LATEST

LATEST

TRENDING