Trak, muntik sagasaan ang mga nagpoprotesta sa Amerika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang tahimik na mga nagpoprotesta sa isang highway sa Minneapolis, USA tungkol sa pagkamatay ni George Floyd, ay nagulantang nang biglang may humarurot na tanker truck patungo sa kanilang direksyon.

Tila nahawing parang tubig ang hanay ng mga tao nang matunghayan ang paparating na trak na bumubusina pa ng malakas.

Sa pagtigil ng naturang trak, sinugod naman ng mga nagpoprotesta ang drayber nito.

Bahagyang nasugatan ang drayber habang wala namang nasaktan sa hanay ng mga nagpoprotesta.

Ayon sa Minnesota Department of Public Security (MNDPS), “Very disturbing actions by a truck driver on I-35W, inciting a crowd of peaceful demonstrators (Nakapanlulumo ang ginawa ng drayber ng trak sa mga payapang nagpoprotesta)”.

Sinabi naman ni Minnesota Governor Tim Walz, na patuloy ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa motibo ng drayber.

Nagkaroon ng kaliwa’t-kanang protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Estados Unidos bunsod ng pagpaslang sa black American na si Geroge Floyd, matapos itong arestuhin at luhuran sa leeg ng isang puting Amerikanong pulis arestuhin.

LATEST

LATEST

TRENDING