MMDA, sinisi ang mga commuter sa pagdagsa nito sa mga lansangan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
MMDA General Manager Jose Arturo “Jojo” Garcia Jr.

Sinisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Genral Manager Jojo Arturo Garcia ang mga commuter na dumagsa sa mga kalsada noong Hunyo 1 dahil sa pagkawala aniya ng “pokus” sa katotohanang namamayagpag pa rin ang Covid-19 bagama’t magaan na ang patarakan ng community quarantine.

Ayon kay Garcia, “They were focused on traveling even though they [knew], just as the Department of Transportation said, our first priority is health and safety (Naka-pokus sila sa pagbiyaha kahit alam nila, katulad ng Department of Transportation (DOTr) na ang panguanhing prayoridad ay kalusugan at kaligtasan)”.

Ito ay matapos niyang masaksihan ang pagdami ng tao sa Commonwealth Avenue sa  Quezon City noong Hunyo 1, habang nag-aantay ng masasakyang hindi naman dumating. Binanggit din nito ang paninikip ng mga tao sa isang trak ng pulis na bumiyahe upang maisakay ang mga commuter.

When they saw the free rides, many commented on social media that commuters fought over these, they were on the road, there were no lines. They were each to his own and forgot that the priority is to stay safe from [the coronavirus] (Noong nakita nila ang mga libreng sakay, nagkagulo sila at wala ring pila. Kanya-kanya sila at nakalimutang ang proridad ay umiwas sa coronavirus)” wika ni Garcia.

Binanatan naman ni Ariel Inton, head of Lawyers ng Commuters’ Safety and Protection, si Garcia dahil sa insensitbo nitong mga naging komento dahil ipinapalagay di umano ni Garcia na bobo ang mga tao.

The only reason they are outside is because we reopened so many businesses, and they would not have gone [out to go to work] if they [had not been] asked (Ang rason kung bakit sila nasa labas ay dahil sa pagbubukas ng mga negosyo at hindi sila lalabas kung hindi sila inutusan),” pagbibigay diin ni Inton.

Pinahintulutan ng DOTr ang muling pagbiyahe ng mga metro-trains, augmentation buses, at Philippine National Railways (PNR) sa limitadong kapasidad upang mabigyang transportasyon ang publiko sa muling pagbubukas ng ekonomiya.

LATEST

LATEST