Anti-terror bill, sertipikadong “urgent” ni Pangulong Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinertipikahan na bilang “urgent” ang kontrobersyal na panukalang Anti-Terrorism Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mas mapabilis ang pagsasabatas nito bago ilang araw bago magwakas ang sesyon.

Sumulat si Duterte kay House Speaker Alan Peter Cayetano noong Hunyo 1 upang sabihing dapat pabilisin ang pag-abruba sa House Bill 6875 upang agarang masugpo ang terorismo. Papaigtingin din aniya nito ang seguridad at kapayapaan ng bansa.

Magtatapos ang regular ng sesyon ng House of Representatives at Senado sa Hunyo 5. Magsisipagbalikan ulit ang mga mambabatas sa dulong bahagi ng Hulyo para sa State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Ang pagsertipika bilang “urgent” ay nagbibigay pahintulot sa mga mambabatas upang ipasa ang panukalang batas sa pangalawa at pangatlong pagbasa sa iisang araw lamang, sa halip na gawin ang ordinaryong kalakaran kung saan may tatlong araw na pagitan ng ikalawa at ikatlong pagbasa alinsunod sa Saligang Batas.

Noong Pebrero, inaprubahan ng Senado ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2020 na layuning palitan ang Human Security Act of 2007. Sa bagong panukala, mas papaigtingin nito ang kapangyarihan ng estado upang sugpuin ang terorismo. Isang bersyon nito ang inaprubahan naman ng Mababang Kapulungan noong nakaraang linggo.

Mahaharap sa 12 taong pagkakakulong ang sino mang lalabag sa panukalang batas. Titiyakin din sa nasabing bill na hindi papahintulutan ang paggamit ng mga banyagang terorista sa bansa bilang transit point, o lugar kung saan maaaring magsanay ang mga terorista.

Tinanggal din sa naturang bill ang probisyon sa pagbabayad ng P500,000 na danyos sa bawat araw ng pagkakulong ng akusadong mapapatunayang inosente. Subalit, ang bilang ng pagkaka-detain ng isang akusado na inaresto ng walang warrant ay 14 na araw na puwedeng pahabain hanggang sa 10 araw.

Itatatag naman ang piling Regional Trial Courts (RTCs) bilang mga Anti-Terror Courts upang mas mapabilis ang pagproseso sa mga kaso. Papayagan din ang pagtestigo ng mga akusado at testigo sa pamamagitan ng videoconferencing.

Maaari ring makapagsagawa ng 60-day suveillance ang pulis at militar para sa mga pinaghihinalaang terorista, at maaari itong palawigin sa hanggang 30 na araw basta’t may pahintulot mula sa Court of Appeals (CA).

Dahil sa pangamabang maaaring umabuso ang mga awtoridad, kailangang ipagbigay-alam sa Commission on Human Rights (CHR) ang sino mang ide-detain na pinaghihinalaang terorista.

Naunang kinuwestyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang probisyon sa panukalang nagbibigay pahintulot sa pulis at militar na magsagawa ng 60 araw na surveillance sa mga pinaghihinalaang terorista, at atasan ang mga telecommunications firms na isiwalat ang kanilang mga tawag at mensahe dahil isa aniya itong pamamaraan ng administrasyon upang patahimikin ang mga kritiko.

Pinabulaanan naman ito ng ilang miyembro ng Gabinete at sinabing may karampatang proteksyon sa naturang panukala upang masolusyunan ang mga pangambang binanggit ni Senador Pangilinan.

“Ang comment ko lang sa mga umo-oppose dito ay wala namang basehan ang kanilang opposition. Binasa ko ang panukalang batas… ‘Yun namang karapatan ng tao ay may sapat na provisions tsaka ‘yung mga law enforcement agencies ay may sapat ding kaparusahan sa mga umaabuso,” giit ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana said.

Ayon naman kay Department of the Interior and Local Govenment (DILG) Secretary Eduardo Año,  “Kailangang makapaghanda tayo, very timely na ito para kung bumalik na tayo sa bagong normal, nakahanda na po ang ating mga batas sa pagpapatupad at hindi na po tayo magkaroon ng problema sa terorismo.”

Dagdag pa niya, “Ito po naman ay para sa kaligtasan ng lahat, pinag-isipang mabuti, at sinisigurado po natin na walang abusong mangyayari.

Umalingawngaw naman ang hindi pagsang-ayon ang mga Netizens sa pamamagitan ng pagpapakalat ng hashtag na #JunkTerrorBill sa social media.

LATEST

LATEST