Inakusahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga miyembro ng isang rights group bilang mamamatay-tao dahil sa di umano’y pagpaslang nito ng mga sanggol sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran Mission Center sa lungsod.
Ikinagalit ng alkalde ang pagpaslang ng isang walong buwang gulang at isang tatlong buwang gulang na sanggol sa nasabing pasilidad noong Mayo 11 at 18.
“If you are going to ask me? They were murdered by Pasaka. Their death will not happen if they only provided them enough food, essential health services like vaccines and deworming or anything that a growing child needs (Kung tatanungin mo ako, Pasaka ang pumatay. Hindi sila mamamatay kung nagbigay lamang sila ng sapat na pagkain at serbisyong medikal na kinakailangan ng sanggol),” pahayag ng alkalde tungkol sa Pasaka Confederation of Lumad Organizations in Southern Mindanao (Pasaka-SMR).
Samantala, naunang sinabi ni Datu Mintroso Malibato, Pasaka-SMR vice-chair, na kasinungalingan ang mga paratang na nasawi ang mga sanggol dahil sa Covid-19. Iginiit nitong bagama’t nagnegatibo ang mga ito sa Covid-19, ipinasok naman sa quarantine sa loob ng Harang compound ang mga magulang upang mapigilan ang hawaan.
Binigyang diin din ni Malibato na imposible silang magkaroon ng Covid-19 sapagkat ipinagbabawal ang pagpasok sa compound hangga’t may ipapakitang Food and Medicine passes mula sa pamahalaang lokal simula noong mag-umpisa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“You did not go out? Somebody from your facility went to the market and bought five sacks of rice. You only provided five sacks of rice to all the people that you hide in there. So do not wonder if people will die because you are not even planning what’s good for them. All you did was babble and babble (Hindi kayo lumabas? May lumabas mula sa pasilidad ninyo at bumili ng limang sakong bigas. Ito ang ang binigay niyo sa lahat ng mga taong tinatago niyo doon kaya hindi malabaong mamatay sila kasi wala kayong pakialam),” galit na tugon ng alkalde.
Dagdag pa ni Duterte, “You better believe in me. I saw some of your allies who have spent their lives trying to bring down the government. They are all gone now and our government remains. Maybe you should rethink of other ways that can contribute to the future of the children you put in prison in Haran (Paniwalaan niyo ako. Nakita ko ang ilan niyong kasamahan na gustong pabagsakin ang gobyerno subalit hindi sila nagtagumpay. Siguro dapat ibahin niyo na ang pag-iisip ninyo at alagaan ang mga batang ikinukulong niyo sa Haran).”