Duterte, magpapasya sa posibilidad ng GCQ bago magtapos ang linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Magpapasya si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang pagtatapos ng linggo kung papayagan nito ang pagpapaluwag ng community quarantine sa Kamaynilaan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Ini-expect natin na bukas hanggang Friday ay makakapagdesisyon ang ating Pangulo,” Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Nais naman ng mga alkalde ng NCR na magpatupad ng isang uri ng lockdown sa buong Kalakhang Maynila.

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Mayo 31 ang buong Metro Manila kung saan pinapayagan ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpahintulot sa ilang mga industriya na magbalik operasyon hanggang sa 50% na kapasidad.

Kung maipapatupad ang mas magaang general community quarantine (GCQ), halos lahat ng industriya ay papayagang magbukas hanggang sa 75% na kapasidad maliban sa mga amusement centers at mga establishimentong may malakihang pagtitipon.

Maaari rin ang tinatawag na “zoning” o piling lockdown sa ilang barangay at kalye sa pag-iral ng GCQ.

LATEST

LATEST

TRENDING