VP Leni: Pabilisin ang akreditasyon ng mga Covid-19 laboratories

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Nanawagan si Pangalawang Pangulo Leni Robredo na pabilisin ang akreditasyon sa mga laboratoryo ng Covid-19 bunsod ng ilang natatanggap ulat tungkol sa pagkaantala ng test results ng ilang balikbayang overseas Filipino workers (OFWs) kahit na sila ay natapos na sa mandatoryong 14-day quarantine.

Aniya, “Mayroong mga sumusulat sa amin halos isang buwan na sila sa loob ng quarantine facility. Hindi sila makauwi sa kanila kasi ang pinapahintay iyong test”.

Binigyang diin din ni Robredo na kadalasang nagiging reklamo ay ang mababang kapasidad ng testing sa mga laboratoryo ng bansa. Marami ang nagsasabi na dahil ito sa mabagal na proseso ng akreditasyon. Giit pa niya, “Kaya ang tagal nila sa quarantine facilities kasi iyon nga, iyong sobrang bagal. Mabagal kasi kakaunti pa lang so dapat bilisan iyong pag-accredit”.

Sinabi rin ng pangawalang pangulo na posibleng humingi ito ng tulong sa mga dalubhasa at mga miyembro ng pribadong sektor upang pabilisin ang proseso ng akreditasyon.

Naunang sinabi ni Covid-19 response chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. noong Mayo 22 na 39 ang kabuuang bilang ng mga accredited laboratories sa bansa. 21 sa mga ito ay nasa Kalakhang Maynila, anim sa ibang bahagi ng Luzon, pito sa Visayas, at lima sa Mindanao. Ang kasalukuyang kapasidad ng testing sa bansa ay 11,000 kada araw.

Samantala, layunin naman ng Department of Health (DOH) na makapag-accredit pa ng 17 na laboratoryo upang mas mapalawig ang kapasidad ng testing at maabot ang target nitong 30,000 tests bawat araw sa dulo ng buwan.

Inaasahan ang pag-uwi ng halos 42,000 OFWs sa susunod na buwan habang 150,000 hanggang 500,000 naman ang inaasaahang magsisipag-uwian sa kabuuan ng taon.

LATEST

LATEST

TRENDING