Sam Milby at Catriona Gray, kumpirmado na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

“Worth every second of the wait” ang naging pahayag ni Sam Milby sa kanyang Instagram post tungkol sa pagiging official nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa naturang post, makikita ang larawan kung saan masayang magkayakap ang dalawa. Itinaon din ni Sam ang pagbubunyag ng balita sa kanyang ika-36 na kaarawan na inilarawan niyang “most special birthday”.

Matatandaang supresang binati rin ni Catriona si Sam sa pamamagitan ng recorded video sa isang live stream event sa Facebook na nagdulot ng abot-langit na kilig para sa aktor.

Noong nakaraang taon, nag-umpisang ma-link ang dalawa sa isa’t-isa na agad naman nilang itinanggi. Noong Enero, sinabi ni Catriona na mabuting magkaibigan lamang sila ni Sam na magkasamang nagsisimba. Sila ay nasa ilalim ng parehong talent management agency na Cornerstone.

Matapos ang anunsyo, naging trending topic sa Twitter naman ang #SamMilby.

LATEST

LATEST