Lorenzana: GCQ sa Kamaynilaan, posible sa Hunyo 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DND Secretary Delfin Lorenzana

Kalakhang Maynila, posibleng pumailalim sa general community quarantine (GCQ) sa darating na Hunyo 1, ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenza.

Subalit, iginiit nitong maaaring manatili pa rin sa mahigpit na lockdown ang mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19 alinsunod sa pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Aniya, “Ang pinag-uusapan naming sa IATF, e mag-GCQ pero ‘yung mga areas na meron pa ring… mga infection baka ‘yun na lang ang ikontrol ng konti”.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang GCQ sa mga lugar na itinuturing na “low-risk”, kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng mga 21-anyos pababa at 60-anyos pataas; mga buntis; at mga may malubhang karamdaman, maliban na lamang kung ang paglabas ay upang bumili ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Inaasahang mas marami pang industriya ang magbubukas sa mataas na kapasidad sa pagtransisyon patungo sa GCQ.

Modified enhanced community quarantine ang kasalukuyang umiiral sa Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan at iba pang mga lalawigan kung saan pinapayagang magbalik operasyon muli ang construction at food manufacturing matapos ang dalawang buwan.

Binigyang diin din ng kalihim na bagama’t pakonti nang pakonti ang bilang ng mga kasong naitatala kada araw, kinakailangan pa ring magpatupad ng quarantine restrictions upang maiwasan ang pag-usbong ng panagalawang bugso ng hawaan.

Dagdag pa nito, “We would like to impress in our people ‘yung self-discipline, para masanay sila na ito na ‘yung new normal, na social distancing, wearing of face mask, sanitation (Nais naming ipakita sa taumbayan ang tamang displina sa ‘new normal’ kung saan papanatilihin ang social distancing, pagsusuot ng face mask, at pagiging malinis”.

Nasa unang bugso pa rin ng Covid-19 infections ang bansa base sa mga pahayag ng Department of Health subalit binanggit nitong malapit nang ma-“flatten ang curve” matapos ang unti-unting pagbaba ng mga kaso mula noong marating ang “peak” noong Marso 31.

Nasa 13,771 na ang kabuuang tala ng mga nagpopositibo sa nakamamatay na sakit sa bansa. Sa bilang na ito, 863 ang nasawi at 3,177 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING