Bakuna kontra Covid-19 ni Dr. Ruben Fabunan, ipinahinto ng FDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng cease and desist order laban sa hindi rehistradong Fabunan antiviral injections na ginagamit bilang lunas sa Covid-19, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

“They still have not applied for CPR (certificate of product registration). They were already issued a cease and desist order by FDA, case buildup is being done already (Hindi pa sila nag-apply ng CPR. Binigyan na sila ng cease and desist order ng FDA. Patuloy ang pagproseso sa kaso)”, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pinag-aaralan din ng DOH ang iba pang kaso kaugnay sa nasabing gamot habang patuloy ang paglipana ng social media posts na nagpapakitang ginagamit ito bilang bakuna sa Zambales.

Noong Abril 22, ipinag-utos ng Palasyo sa FDA na pag-aralan ang pagiging epektibo ng naturang bakuna bilang lunas sa nakamamatay na Covid-19.

Naunang nag-viral ang isang video sa social media kung saan ipinapaliwanag nito na ang Fabunan vaccine ay isang patented antiviral drug kontra dengue na nilikha ng Washington-based Filipino doctor na si Ruben Fabunan. Ito raw ay “approved” at “proven to be used to treat Covid-19”.

Nilinaw naman ng FDA sa publiko na wala pang lisensyadong gamot ang inaprubahan bilang lunas sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING