Mga Tsinong nagpapatakbo ng ilegal na ospital sa Clark, mananagot

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Mananagot sa batas ang mga Tsinong nagpapatakbo ng isang makeshift medical facility sa Clark, Pampanga, ayon sa Malacañang. Ito ay matapos arestuhin ang dalawang Tsino na sina Ling Hu, pinaghihinalaang may-ari ng pasilidad, at Seung-Hyun Lee, isang pharmacist di-umano, sa pangangasiwa sa ilegal na operasyon ng isang medical facility na ang tinutugunan lamang ay mga pasyenteng Tsino.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Medical Act (Republic No. Act 2382) at Food and Drug Administration (FDA) Act (Republic Act No. 9711). Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Kakasuhan po iyong mga nahuli sa Fontana dahil nilabag po nila iyong dalawang batas na nagsasabing hindi puwedeng mag-practice ng medisina ng walang lisensiya; hindi puwedeng mag-dispense ng gamot na hindi rehistrado sa FDA”.

Sa kasakulukyan ay nakakulong ang mga salarin sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga. Binanggit din ni Roque na alarma ang Palasyo sa pagkakaalam tungkol sa insidente dahil mga linsensyadong doktor lamang ang maaaring mag-practice ng propesyong medikal sa bansa.

Aniya, Naaalarama po ang Palasyo diyan ‘no. Unang-una, mayroon po tayong batas na tanging mga kuwalipikadong doktor lamang ang puwedeng mag-practice ng medisina rito”.

Samantala, sinabi rin ng tagapagsalita ng pangulo na inutusan ni Duterte ang FDA upang suriin ang mga drug applications, kasama ang traditional Chinese medicines, sa loob ng 48 oras.

Ang sabi ng Presidente sa FDA noong isang pagpupulong, mayroon lang kayong 48 hours to act on all these submissions and all these applications dahil sa panahon ng pandemiya kung talagang mayroong mga gamot na available dapat mabilis ang pag-akto natin”, wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING