DOH, humingi ng tawad tungkol sa “second wave” na pahayag ni Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Humingi ng dispensa sa publiko ang Department of Health (DOH) tungkol sa kalituhang idinulot ng mga naging pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III na nasa pangalawang bugos na ng Covid-19 infections ang bansa.

Kinumpirma ni Special Assistant to the Health Secretary Beverly Ho na nasa unang alon pa lamang ng Covid-19 outbreak ang Pilipinas. Nagkaroon ng transmisyong lokal ang nakamamatay na sakit noong Marso, kung saan nahawa ang ilang Pilipinong wala namang travel history patungo sa ibang bansa.

Dagdag ni Ho, narating ang “peak” noong Maso 31 kung saan lumobo ang bilang ng mga kaso sa 538. Simula noon, nasa 220 na kada araw ang average ng bilang ng mga nagpopositbo sa sakit at ito ang naging dahilan kung bakit nag-umpisa na silang magsabing “na-flatten na ang curve”.

Naalarma ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos banggitin Secretary Duque sa isang senate hearing na nasa pangalawang bugso na ng Covid-19 pandemic ang Pilipinas. Kinuwesyon ng ilang mambabatas kung paano na “flatten ang curve” nang hindi natutupad ang mga testing targets.

Nilinaw ni Duque ang idinulot na kalituhan at huling sinabing nasa “first major wave of sustained community transmission” ang bansa. Subalit, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, base sa mga pagkonsulta niya sa mga eksperto, hindi maituturing na “wave” ang pagtatala ng tatlong kaso.

Samantala, ayon naman kay Dr. Tony Leachon, special adviser sa COVID-19 task ng gobyerno force, bumubuti na ang sitwasyon ng bansa sa pagbagal ng hawaan at pagkamatay. Subalit, iginiit niton hindi ito hindi pag “flatten” kundi pag “pleateu” ang nangyayari. Dagdag pa niya, tanging expanded testing mahigpit na contact tracing ang makakatulong sa atin upang makarating sa tinatawag na “new normal”.

Ayon naman sa ekspertong si Dr. Edsel Salvana, maganda ang labang ipinapakita ng bansa kontra Covid-19 kahit na nalalamangan ito ng ibang mga karatig bansa sa Timog-Silangang Asya. Maihahalintulad daw sa Japan, na isang maunlad na bansa, ang pagtugon natin sa Covid-19 base sa bilang ng mga kaso at isinasagawang tests.

Sa huling tala noong Mayo 21, nasa 13,434 na ang kabuuang nagpopositibo sa nakakamatay na sakit. Sa bilang na ito, 3,000 na ang gumaling habang 846 na ang nasawi.

LATEST

LATEST