Roque: “OK” ang koordinasyon sa Gabinete

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang IATF-EID
Kuha ni: Karl Norman Alonzo

Itinanggi ng Malacañang noong Mayo 21, na nagkakaroon ng pagsasalungatan sa loob ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga isinasapublikong pahayag ng mga miyembro nito.

Noong Mayo 20, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang senate hearing na nasa pangalawnag alon na ng Covid-19 infections ang bansa, pahayag na hindi sinang-ayunan ng Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi ipinagbigay-alam ng kalihim sa pangulo ang naturang pahayag nito ukol sa “second wave”.

Gayunpaman, iginiit ni Roque na “OK” naman ang koordinasyon ng mga pangunahing opisyal kahit mayroong pagsasalungatan sa mga payahag. Aniya, “Medyo sintunado lang siguro ang isa pero OK naman po ang orchestra”.

Itinanggi rin ni Interior Secretary Eduardo Año ang paratang na nagkakagulo ang mga miyembro ng Gabinete at sinabing “solid” ito sa mga ipinapatupad na hakbang kontra Covid-19

Matatandaang nagbitiw sa puwesto bilang pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong nakaraang buwan si Ernesto Pernia dahil sa ilang di pagkakaunawaan nito sa ibang miyembro ng Gabinete. Ang naturang pagbibitiw ay naganap sa kasagsagan ng pandemiya.

Si dating Finance Assistant Secretary Karl Kendrick Chua naman ang humalili kay Pernia.

LATEST

LATEST

TRENDING