Senado: “Heal as One”, bakit naging “Steal as One”?

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nais paimbestigahan ng ilang senador ang di umano’y overpricing ng mga biniling mga test kit at personal protective equipment (PPE) ng pamahalaan. Ayon kay Senate President Tito Sotto, “While emergency measures are being practiced, government should start an investigation on the allegations (habang nasa kalagitnaan ng krisis, kinakailangang umpisahan ng pamahaalaan ang imbestigasyon sa mga anomalya).

Nakatanggap ng ulat ang opisina ni Senador Panfilo Lacson na doble ang presyo ng mga binibiling PPEs ng DOH kumpara sa mga pribadong organisasyon. Noong Marso, kinuwestyon din ni Senador Grace Poe ang DOH sa pagbili nito ng mga PPE sa halagang PHP1,800 habang ang market value ng panahong iyon ay nasa PHP400 hanggang PHP1,000 lamang. Itinanggi ng DOH na overpriced ang mga ito at sinabing complete set ng mga PPE ang kanilang binili kaya may kamahalan.

Plano naman ni Senate Health Committee chairman Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na imbitahin ang DOH, Department of Budget and Management (DBM), at iba pang sangkot na ahensya upang magpaliwanag.

Giit naman ni Senador Sonny Angara, dapat sampahan ng kaso sa Ombudsman ang mga may pangunahing kaaalaman tungkol sa overpricing scheme na ito.

Ipinaliwanag naman ni Senador Francis Pangilinan na dahil sa overpricing ng mga health equipment, magkakaroon ng pagkukulang sa serbisyo publiko at mailalagay sa peligro ng virus ang publiko at frontliners.

LATEST

LATEST