Malacañang: Wala pa ring mass testing dahil sa limitadong kapasidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Wala pa ring planong magsagawa ng mass testing ang pamahalaan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi rin nito na ipinauubaya na ang mass testing sa pribadong sektor dahil sa limitadong kapasidad ng gobyerno. “As much as possible, ini-increase natin ang capacity ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000 (a day), pero in terms sa mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million (residents), wala pa pong ganyang programa at iniiwan natin ‘yan sa pribadong sektor,” paglilinaw ni Roque sa isang Malacañang press briefing.

Noong Marso, nagsimulang maging matunog ang mass testing matapos mabilis na lumaganap ang Covid-19 sa bansa. Una itong tinanggihan ng mga awtoridad, subalit nagpatupad kinalaunan ang pamahalaan ng  isang “progressive” Covid-19 testing program na nagbibigay prayoridad sa mga may malalang mala-trangkasong sintomas, mga matatanda, mga may pre-existing health conditions, mga buntis na may katamtamang sintomas, at mga healthcare workers na may sintomas sa paghinga. 

Dating inamin ni Roque na naging mabagal ang pagresponde ng pamahalaan sa pagsasagawa ng testing at hindi nito natupad ang orihinal na target na palawakin ang testing nang di bababa sa 8000 kada araw pagsapit ng Abril 30. Muli itong itinaas sa 30,000 kada araw sa dulo ng Mayo. Binanggit din niyang nais ng pamahalaang magsagawa ng di bababa sa 2.2 milyong rapid tests at 900,000 PCR tests. Dagdag pa, di bababa sa 1% ng kabuuang populasyon ang dapat matest. 

Inilunsad naman ang mga pribadong kumpanya ang Project ARK o Antibody Rapid Test Kits, na kumalap ng 1 milyong mga test kit na maaaring gamitin ng mga barangay at mga manggagawang magsisipagbalik sa trabaho. Ayon sa pinuno ng PROJECT ARK na si Dra. Minguita Padilla, “For asymptomatics, government will not test muna kasi nga wala pang kakayahan, kulang pa nag PCR (tests) kaya tumutulong kami. Dagdag pa niya, kumuha rin ang pribadong sektor ng mga karagdagang reverse transmission-polymerase chain reaction o RT-PCR kits at machines na ilalagay sa mga pampumblikong opsital.

Ang PCR test ay itinuturing na “gold standard” dahil sa kakayanan nitong matunton ang presensya ng aktwal na virus sa mga swab samples. Naglunsad din ng local testing ang ilaing pamahaalang lakal upang maibsan ang bilang ng mga kaso sa kani-kanilang mga komunidad. 

Ang 30 testing laboratories sa bansa ay may kakayanang magproseso ng hanggang 14,500 samples sa isang araw – hindi pa nangangalahati sa itinalagang target sa dulo ng buwan, ayon sa national task force on COVID-19. Apat na swabbing centers at quarantine facilities naman ang binuksan upang mabawasan ang pagsisikip sa mga ospital. Ang mga ito ay tutugon sa mga probable at kumpirmadong mga pasyente na may katamtamang sintomas.

Nakapagtala na ng aabot sa 12,513 kumpirmadong kaso ang bansa noong Mayo 17. Sa mga ito in, 9,054 ang active cases, 2,635 ang gumaling, at 824 ang nasawi. Ipinatupad ang dalawang buwang lockdown sa Luzon, na pinahaba naman ng dalawa pang linggo sa Kalakhang Maynila, na siyang sentro ng pandemiya sa bansa. Baghagyaang pinagaan ang lockdown noong Mayo 16 alinsunod sa mga hakbang na muling buksan ang ekonomiya.

Nagrekomenda ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na mag “test, test, test” upang maagang matukoy ang mga pasyenteng kinakailangang i-isolate para di na sila makahawa pa ng iba.

LATEST

LATEST

TRENDING