Anomalya sa SAP, kinasangkutan ng ilang opisyal ng barangay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: cnnphilippines.com

Nadaragdagan ang mga opisyal ng barangay na sinasampahan ng reklamo dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa anomalya hinggil sa distribusyon ng ayudang pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP). Sa tala ng PNP, 12 na reklamo na ang inihain laban sa 23 barangay officials. Apat naman ang inaasahang isasampa sa mga darating na araw.

Mga punong barangay, kagawad, treasurer, sekretarya, empleyado, purok leader, at social worker ang mga nasampahan ng reklamo. Ilan sa kanilang mga ginawang anomalya ay ang paghahatian sa pera, pamemeke ng masterlist, at pagkuha ng “balato” o “tara” mula sa mga benepisyaryo.

Tatlong opisyal ang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act. Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ang 110 barangay officials matapos ang 318 na kabuuang reklamo ng kurapsyon laban sa kanila.

“Puspusan na rin ang imbestigasyon at case build-up para masigurong makakalaboso ang mga walang-hiyang tao na ito na nakuha pang manggantso sa mga mahihirap nating kababayan,” pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

LATEST

LATEST

TRENDING