“New Normal” sa turismo ng bansa pagkatapos ng travel restrictions

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: CNN PH

Malaki ang magiging pagbabago sa industriya ng turismo sa Pilipinas sa pagtatapos ng Covid-19 travel restrictions, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Ito ay dahil sa mga patakarang ipapatupad sa “new normal” katulad ng enforced health security standards para mga turista at manggagawa; at ang “re-training” ng mga tourism workers.

Sa isang virtual forum ng Go Negosyo, ipinahayag ni Romulo-Puyat inaasahang mababawasan ang kapasidad ng air at land transport. Subalit, nararapat lamang daw ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero. Nabanggit din niya na maglulunsad ng iba pang mga hakbang ang DOT katulad ng regular disinfection ng accommodations at transport services pati na rin ang pamimigay ng personal protective equipment (PPE) sa mga tourism workers.

Bukod dito, magrerekomenda rin ang DOT na gumawa ng sa isang online system para pangasiwaan ang tourism-related transactions. Habang patungo sa “new normal”, giniit ni Romulo-Puyat na magiging bagong patakaran ng Manila ang paghikayat sa mga lokal na turista at short-haul markets katulad ng mga bansang nasa Timog-Silangang Asya.

Sang-ayon naman si Tourism Congress of the Philippines president Jose Clemente III na ang mga lokal na turista ang magiging “first segment of travelers” pagkatapos ng Covid-19 travel restrictions. “We have to make sure that the destinations themselves are already prepared to take in domestic tourists,” tugon ni Clemente. Para naman kay Mink Metmowlee, presidente ng ASEAN Tourism Association, dapat magkaisa ang mga bansa pag-promote ng turismo sa bawat miyembro ng ASEAN.

LATEST

LATEST

TRENDING