Medical graduates, puwedeng maging “deputized physicians” ngayong panahon ng pandemiya – DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pinahintulutan ng Department of Health (DOH) ang mga medical school graduates na magsagawa ng “limited practice of medicine” upang makatulong sa laban kontra Covid-19. Sa isang pahayag na nilabas ng ahensiya noong Mayo 16, ang mga tatanggaping aplikante ay Filipino graduates ng medical education program na nakatapos ng di bababa sa isang taon ng post graduate program sa loob ng dalawang taon bago ang Marso 17, 2020 — ang petsa ng pagdeklara ng ECQ.

Nilinaw ng DOH na ang special authorization na ito ay hindi katumbas ng “license to practice”. Aniya, “This authorization shall automatically be revoked upon termination of the national health emergency. Thus, a Certificate of Registration, subject to the rules and regulations of the Professional Regulation Commission (PRC) — Professional Regulatory Board of Medicine, shall remain a requirement to legally practice medicine in the country,”  (Ang awtorisasyong ito ay bubuwagin sa pagtatapos ng national health emergency. Kinakailangan pa rin ang Certificate of Registration mula sa PRC upang maging ganap na doktor sa bansa).

Ang mga tatanggaping aplikante ay maglilingkod ng tatlong buwan sa ilalim ng renewable contract of service. Ang buwanang sahod ay papalo sa P38,463.60, kasama ang 20% premium at arawang P500 hazard allowance. Magbibigay din ng matitirhan ang DOH para sa mga matatanggap na aplikante. Hindi naman tatanggapin ang mga smokers at mga kabilang sa “high-risk populations” ng Covid-19.

Ang DOH Centers for Heath Development (Regional Office) o Bureau of Quarantine office kung saan isinumite ang aplikasyon ang magpapasya kung saan itatalaga ang mga matatanngap na aplikante.

LATEST

LATEST

TRENDING