Mayor Vico: Mga traysikel sa Pasig, balik operasyon na sa Mayo 18

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pasig City Mayor Vico Sotto

Pinayagan ni Mayor Vico Sotto ang muling pagpasada ng mga traysikel sa lungsod ng Pasig simula Lunes, Mayo 18. Sa isang Facebook post, sinabi ng alkalde na aprubado na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga susunding alituntunin para sa operasyon ng mga traysikel.

Maaring pumasada ang mga traysikel simula 5 a.m. hanggang hatinggabi alinsunod sa mga pamantayang ito:

  1. Isang pasahero lamang ang maaaring isakay, maliban kung may medical emergencies kung saan nangangailangan ng kasama ang pasyente.
  2. Dapat may harang sa pagitan ng pasahero at drayber.
  3. Dapat i-disinfect ang traysikel nang di bababa sa dalawang beses sa isang araw (Magbibigay ng mga disinfectant ang pamahalaang lokal ng Pasig) at;
  4. Maaring pumasada ang mga pribadong traysikel ngunit limitado lamang sa isang pasahero at kinakailangang magpaskil ng karatulang “not for hire”.

Inutusan din ng city government ang mga operator at drayber ng traysikel na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga asosasyon at regulatory offices. “Magiging malaking tulong ang mga tricycle para masolusyonan ang kakulangan sa mobilidad ng mga empleyadong Pasigueño sa paraan na may social distancing pa rin,” giit ni Mayor Sotto.

Noong Marso, umapela ang alkade para sa patuloy na pagpasada ng mga traysikel upang magsilbing transportasyon ng mga frontliners sa kasagsagan ng lockdown kahit na ipinagbawal ito ng pamahalaang nasyonal alinsunod sa lockdown restrictions. Subalit, tinanggihan ito ng DILG at kinalaunan ay sumunod naman si Sotto. Bisekleta para sa mga health workers ang naging solusyon ng alkalde pagkatapos ang tigil-operasyon ng mga traysikel. 

LATEST

LATEST

TRENDING