Ilegal na POGO firm, sinugod ng mga pulis; 265 Chinese nationals, arestado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
 Photo from NCRPO PIO

Arestado ang 265 Chinese nationals noong Mayo 14, na di-umano’y ilegal na nagtatrabaho sa isang Philippine offshore gaming operators (Pogo) firm sa isang hotel sa Las Piñas City. Sa isang ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Mayo 15, sinugod ng pinagsamang operatiba ng NCRPO Regional Special Operations Group, Southern Police District at Las Piñas City police station ang isang hotel sa may Alabang-Zapote Road sa Barangay Almanza Uno takdang 9 P.M.

Nasabat ng mga awtoridad ang 110 na laptop; 467 na cellphone; pera sa halagang P6,463,490, 143 pirasong foreign currency bill, 20 pirasong computer adaptor, 30 pirasong computer mouse, pitong assorted cables at wires, 11 pirasong extension wires, tatlong central processing unit, dalawang pocket wifi, 33 Chinese IDs, 99 pirasong computer keyboards, 251 Chinese passports, tatalong computer tables, 35 pirasong internet modem, dalawang money counting machines and isang 10 units ng wifi.

Batay sa ulat ng NCRPO Public Information Office, naglunsad ang mga pulis ng isang linggong surveillance at intelligence gathering base sa nakalap na impormasyon mula confidential informants. Matapos ang imbestigasyon, napag-alaman ng Business Permit and Licensing Office na hindi pala rehistrado ang naturang Pogo company. 

Kasalukuyang nakakulong ang mga salarin sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act at Executive Order 112. Patuloy namang inaalam ang immigration status ng mga inaresto habang ini-imbestigahan. Ayon sa pahayag ni Metro Manila police chief Major Gen. Debold Sinas, ipagpapatuloy pa rin ng pulisya ang laban kontra krimen kahit na may Covid-19 pandemic.

Pinayagan ng pamahalaan na bahagyang magsagawa ng operasyon ang mga POGO sa kasunduan sila ay susunod sa itinalagang alituntunin. Bago makapagsagawa ng operasyon ang isang POGO compnay, kinakailangan muna ang accreditation mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

LATEST

LATEST

TRENDING