Nagkukumahog na makabangon muli ang Eastern Samar matapos itong hagupitin ng Bagyong Ambo habang kinakaharap ng laban kontra Covid-19. Si Ambo (international name: Vongfong), na unang bagyong tumama sa bansa ngayong taon, ay unang naglandfall sa San Policarpo, Eastern Samar.
Sinabi ni Eastern Samar Governor Ben Evardone na ang pinsalang hatid ng Bagyong Ambo ay maihahalintulad sa kapinsalaang dulot ng Bagyong Yolanda noong 2013. Dagdag pa niya, mababa na ang calamity funds ng ilang Local Government Units (LGUs) sapagkat ito ay ginugol sa pagresponde sa Covid-19 pandemic.
Nabanggit din ni Evardone na winasak ni Ambo ang isang simbahan, ilang evacuation centers na ginawang COVID-19 isolation areas, at mga pananim.
Humingi naman ang gobernador ng tulong sa Air Force upang maabutan ng tulong ang mga liblib na bayan tulad ng Jipapad at Maslo.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng katamtaman hanggang malakas sa pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ang Bagyong Amba. Ito inaasahang lalabas ng bansa sa Lunes, Mayo 18.