Pangulong Duterte inatasan ang DBM na kumalap ng pondo para sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Wendel Avisado na mangalap ng pondo upang masiguro na mabigbigyan ng sapat na ayuda sa pangalawang tranche ng Social Amerioration Program (SAP) ang 23 milyong kapos-palad na pamilya. Ang orihinal na bilang ay nasa 18 milyon lamang. Subalit, ninais ni Pangulong Duterte na magdagdag pa ng limang milyong pamilya. 

Ayon kay Presidential Spokesperosn Harry Roque, ang huling direktiba ng pangulo ay i-realign ang pondo ng gobyerno upang matiyak na makakatanggap ang 23 milyon na benepisyaryo sa pangalawang phase ng SAP.

Sa ilalim ng SAP, ang mga low-income households ay maaaring makatanggap ng ayudang pinansyal na papalo sa PHP5,000 hanggang PHP8,000 para sa buwan ng Abril at Mayo.

Subalit, dahil sa kakulangan ng pondo, 13 milyong benepisyaryo lamang ang mabibigyan ng ayuda sa pangalawang tranche ayon sa Malacañang nitong Huwebes, Mayo 14.

Ayon kay Roque, posibleng humingi sa Kamara si Pangulong Duterte ng karagdagang P50 bilyon para pondohan ang SAP kung hindi makapag reallocate ang DBM ng pondo para sa ayuda.

Kinakailangang magsumite ang mga Local government units (LGUs) ng liquidation report ukol sa pamamahagi ng first tranche ng ayuda bago ito makasama sa second tranche. May ilang LGUs na ang nakatapos sa naturang liquidation reports at nag-umpisa nang mamahagi sa pangalawang tranche ng SAP

LATEST

LATEST