Pag-aresto sa mga kritiko ni PRRD online, base sa “good reason” ayon sa PNP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nirerespeto ng PNP ang desisyon ng ilang police units na arestuhin ang ilang netizens na nagkomento sa social media laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon ito kay PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Apat ka tao sa buong bansa ang inaresto ng kapulisan hinggil sa mga naturang online posts. Isa sa mga post na ito ay hinggil sa alok na pabuya para sa makakapatay sa pangulo at ang isa naman ay tungkol sa “scripted request” ni Sen. Bong Go kay Pangulong Duterte tungkol sa mga isyung pambansa.

Giit ni Banac sa isang panayam, “The police conduct themselves based on evidence gathered. We presume there was regularity in their act. Every time they would perform their duty, they would have to explain themselves before the court also (Ang mga ginawang hakbang ng mga pulis ay base sa nakalap na ebidensiya. Nakahanda silang magpaliwanag sa korte tungkol sa ginagampanan nilang tungkulin)”. 

Dagdag pa niya, “If found that they have violated rules, then they would have to face consequences of their act. As always, the police conduct themselves in a normal fashion, (Kung mapatunayan na may nilabag na alituntunin ang ating kapulisan, sila ay dapat na managot)”.

Isang guro sa Zambales, isang driver ng habal-habal driver Boracay, isang 26-anyos na babae sa woman in Cebu, at isang salesman sa Agusan del Norte ang nahaharap sa kasong cybercrime and sedition.

“I’m sure the police acted on a good reason why they took this person into custody. This person would have to face charges, (May mabuting rason ang PNP sa ginawang pagdakip sa mga taong ito)” banggit ni Banac.

Ang mga ginawang pag-aresto ay pinabulaanan naman ng Human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno. Ayon sa kanya, bawal ang warrantless arrest sa kasong libel, lalo na at merong karapatang magpahayag ang bawat isa na nakapaloob sa Saligang Batas.

LATEST

LATEST

TRENDING