Meralco, ipinaliwanag ang pagtaas ng singil ngayong Mayo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo: CNN PH

Ipinaliwanag ng MERALCO nitong Biyernes, Mayo 15, ang tinaguriang “bill shock” na naranasan ng ilang mga costumer matapos ang pagtanggap ng kumpanya ng ilang reklamo online ukol sa mataas na bayarin para sa buwan ng Mayo.

Aniya ng MERALCO, tama at patas ang naging pagkalkula nito sa mga naturang billings. Ang billings para sa Abril at Mayo ay ibinase sa average daily consumption mula Disyembre 2019, Enero 2020, at Pebrero 2020 — kung kailan mababa  ang konsumo ng kuryente dahil sa malamig na panahon. 

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng kumpanya, ang posibleng pananatili ng mga tao sa kanilang mga tahanan bunsod ng Enhanced Community Quarantine ang maaring naging dahilan sa mataas na pagkonsumo ng kuryente. Bukod dito, ang mainit na panahon ay naging sanhi ng madalas ng paggamit ng mga cooling devices, katulad ng mga electric fans at airconditioners.

Dagdag pa niya, ang mga natanggap na bill sa buwan ng Mayo ay base sa resulta ng actual kilowatt per hour consumption’ mula sa kasalukuyang meter reading, na sinamahan ng ilang adjustments mula sa estimated consumption nitong panahon ng enhanced community quarantine.

Iginiit ng Meralco na pinapayagan nito ang mga customer na apektado ng COVID-19 crisis na bayaran ang kanilang mga billings sa pamamagitan ng four monthly payments.

Nagpatawag naman ng imbestigasyon ang grupong Energy Power for People Coalition hinggil billing practice ng MERALCO sa panahon ng ECQ.

LATEST

LATEST

TRENDING