Balik Probinsya Program inaasahang magiging matagumpay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tiwala ang pamahalaan na magiging matagumpay ang isinusulong na “Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program” ng Duterte Administration. Ito ay matapos na mag pakita ng interes ang libo libong mga Pilipino sa nasabing programa ilang araw bago simulan ang pagtanggap ng aplikasiyon para dito.

Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada na tumatayong Executive Director din ng balik probinsiya program na sa unang apat na araw pa lang ng simulan nila ang pag tanggap ng aplikasiyon mula sa publiko ay umabot na sa 5,000 indibidwal ang nagpakita ng interes na mag balik probinsiya. Layon ng programang ito na ma decongest ang Metro Manila at maisulong ang kaunlaran sa mga kanayunan. Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng Pamahalaan sa mga LGU’s upang tiyakin na handa ang mga bayan at probinsiya na tanggapin ang mga kababayan nilang magbabalik probinsiya.

Inaasahang aabutin ng higit isang milyong mga indibidwal ang makikinabang sa programang ito ng pamahalaan kung saan iniinterview ang mga ito upang alamin ang mga sektor na nais nilang pasukan pag uwi sa nga lalawigan. Nakikipag ugnayan na rin ang Balik Probinsiya Bagong Pag asa Council sa COMELEC upang pag aralan ang posibilidad na ilipat na rin sa kanikaniyang probinsiya ang rehistro ng mga uuwing Pilipino. Ilan sa mga probinsiyang maraming nais bumalik ay ang nga probinsiya ng Leyte, Camarines Sur, Zamboanga del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Pangasinan at Quirino.

LATEST

LATEST

TRENDING