DILG pinalawig ang pagbigay ng SAP hanggang Mayo 10; benepisaryo exempted sa curfew

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MAYNILA—Si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ay nag-anunsyo nuong Huwebes ng umaga na pinalawig nila ang pagpamahagi ng ayuda galing sa Social Amelioration Program (SAP) hanggang sa Mayo 10, 2020.

Ginawa itong pahayag ng kalihim sa isang panayam sa TV-radio na sinubaybayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News nang natanto nila na konte lang ng mga local government units (LGUs) ang makaabot sa Mayo 7 na palugit upang mauumpisahan na ang pangalawang bugso ng ayuda.

“May marami namang nakapagtapos, mga 185 na ang nakapag-comply already out of more than 1,600 LGUs as of 8:00 p.m. last night (May 6) at segurado akong madagdagan pa ito,” sabi ni Sec. Año. Kinumperma ng kalihim na may marami pang gusot na nakapagpabagal sa pagbigay ng ayuda na  gusto nilang ayusin.

“Dito sa Metro Manila, mga 75 percent pa yata at 40 percent sa Quezon City pero inayos naman nila.

May nakapagtapos naman na nagsimula nang mag-liquidate at ang lista ng kanilang nabigyan ay i-validate hanggang sumunod na yung second tranche,” sa pagpatuloy ng kalihim. 

“First come, first served ito upang makahanda naman ang DSWD sa second trance,” sabi niya.  Ang malalaking syudad gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao ay nangangailangan ng dagdag na panahon upang matapos ang kanilang ulat.

Sabi rin ni Sec. Año na marami pa ring LGUs na nangangailangan ng panahon, at nag 24/7 pa upang makahabol sa deadline.  “In fact I already gave instruction to the PNP na basta distribution ng SAP ay exempted sa curfew ang mga beneficiaries,” sabi ng kalihim.

Ang DILG at DSWD ay nagtulong-tulong upang ayusin ang mga gusot na nakita nuong unang tranche lalo na ang numero sa mga dapat mabigyan. “Ang ginamit kasi na data sa beneficiaries ay yong 2015 census kaya may mga wala sa listahan. We are looking to about 2.9 to 3.5 million families who are left out na hindi nakasama sa unang tranche. Ngayon ay mabibigyan natin sila,” sabi ni Sec. Año.

LATEST

LATEST

TRENDING