LGBTQ+ community humingi ng tulong sa gobyerno bilang manggagawa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

NABUNTURAN—Ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer Plus (LGBTQ+) na komunidad ng Probinsya ng Davao de Oro (tinawag nuon na Compostela Valley Province) ay dumadaing ng tulong dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic sa kanilang hanay.

Si Michael “Nicole” Peralta, presidente ng LGBTQ+ chapter ng Municipality of Compostela, mga dalawang oras na biyahe, north of Davao City, ay nagsabi sa isang panayam na karamihan ng kanilang kasama ay nagkakaroon ng problemang pinansyal dahil sa pagsara ng kanilang negosyo na pinagtatrabahoan.

 “Talagang bumagsak ang kabuhayan namin na wedding services, boutique, at beauty parlor, dahil na-cancel lahat ang mga events dito, especially wedding na nangunguna sa aming pinagkakikitaan,” sabi ni Peralta.

Sinabi rin niya na may mga kaibigan sila sa Municipal Council na nagbigay sa kanila ng bigas, pagkain at gulay ngunit kulang ito dahil sa tagal ng lockdown.  “Nagpasalamat kami nila ni Vice Mayor Levi Ebdao, at mga konsehal na sina Ricky Hechanova, Myrel Visitaction Bancasan at Juric Blanco, dahil sa kanilang tulong sa aming mga LGBTQ+ ngunit may iba pa kaming pangangailangan na dapat matutugonan din,” aniya Peralta.

Dahil nito, napilitan ang marami na umuwi sa kanilang barangay dahil walang makitang trabaho sa bayan. Sinabi ni Lyncie John Hinampas, isa sa mga miyembro ng LGBTQ+ community na umuwi siya sa kanilang bahay sa Barangay Marapat dahil nagsara ang parlor na pinapasokan niya.  “Dumidiskarte na lang ako sa paghanap ng home service.  Mabuti na lang may natanggap din na ayuda ang aking mga magulang galing sa aming barangay,” sabi ni Hinampas.

Ngunit kahit na may krisis, nagpapatuloy pa rin ang ugnayan ng kanilang grupo ayon ni Peralta at Hinampas, sa pamamagitan ng text at social media.  Alam nila na nakakapagod na ring mananatili sa bahay ngunit kailangan nilang sundin ang utos ng pamahalaan. “Patuloy ang aming komunikasyon sa chat at video call at iniwasan muna naming na magkita ng personal ang mga karelasyon upang masunod ang social distancing”, sabi nilang dalawa.

Ipinagdasal ng kanilang LGBTQ+ community na matatapos at makaahon na tayo sa Covid-19 crisis dahil hindi sila mabuhay kung walang mapagkikitaan at umasa sa iba.  Humingi sila ng dagdag ayuda sa pamahalaan at mabigyan din sana sila ng kaukulang tulong bilang kasapi sa sektor ng mga manggagawa sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING