MANILA—Si President Rodrigo R. Duterte (PRRD) sa kanyang public address nuong Lunes ng gabi ay nag-utos sa Philippine National Police (PNP) na ihatid ang sino mang na-stranded dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa.
“May mga matatanda diyan, mga babae, buntis, nagtatrabaho, whataever, na na-stranded, walang masasakyan dahil sa quarantine ay pasasakayin ninyo at ihatid para makarating sa kanilang paruruonan,” sabi ni Presidente Duterte.
Ipapagamit ng presidente ang ano mang sasakyan ng PNP upang mahatid ang sino man na may karapatang dahilan upang lumabas. “May mga importanteng lakad, maghatid sa ospital, magbili ng pagkain at gamot, may nagkasakit, may namatay, nagtatrabaho, na nangangailangan ng saksakyan. Magagamit nila ang sasakyan ng PNP dahil mura ang gasolina ngayon,” dagdag ng presidente.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan na tawagan o kontakin ang kanilang mga opisyal sa gobyerno kung sakaling wala pa silang natanggap na ayuda galing sa gobyerno. “Gumamit kayo ng cellphone, mag-text, mayroon naman yata kayo diyan, upang ma-contact ang gobernor ninyo, mayor, o barangay captain upang ipaalam na wala pa kayong natanggap na tulong,” sa ng presidente. Sabi niya na dapat walang hindi mabigyan ng tulong sa gobyerno.
Nangyari ito dahil sa dumating na ulat sa presidente na may maraming tao na hindi pa nakatanggap ng ayuda galing sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development. Ang unang bugso na ayuda na nagkakahalaga ng Php 100-billion ay dapat matapos nang ipapamahagi ng mga lokal na pamahalaan sa Abril 30.
Sa ibang radio-TV interview na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News, Martes, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nangangailangan ng karagdagang Php 31.7-bilyon upang mabigyang ang lahat na pamilya na hindi nabigyan nuong first tranche ng SAP.
“Kailangan ng karagdagang pundo upang walang maiwang pamilya na hindi mabigyan. This additional budget will still be approved by the Inter-Agency Task Force,” sinabi ni USec. Malaya.