Suportado ni Sen. Bong Go ang diskwento ng bitamina at supplement sa Senior Citizens

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Pagkatapos ng panukalang “Balik sa Probinsya Program” ni Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go ay nagpadala siya ng mensahi na suportado niya ang hiling nga mga senior citizens na masali sa kanilang diskwento ang pagbili ng bitamina at “food supplement” sa kanilang medisina. 

Sinabi ito nuong Lunes ni election lawyer at dating kandidato pagka-senador na si Atty. Romulo Macalintal sa isang live radio-TV interview na binantayan ng Saligan News at Banat Pilipinas News, kung saan tinanong siya tungkol sa matagal na nilang kampanya upang mabigyan ng diskwento sa binili nilang bitamina at food supplement.  Marami kasing mga senior citizen na nangangailangan ng bitamina upang mabilis ang kanilang paggaling sa karamdaman.

Ayon pa ni Atty. Macalintal na masaya siya na personal na tumawag sa kanya si Senador Bong Go upang ipahiwatig ang kanyang pagsuporta sa adhikain ng 9.5-milyon na senior citizens sa bansa na dagdag na diskwento sa kanilang medisina.   “Nagagalak talaga ako na tumawag sa akin ang senador at sinabi niya na tutulong siya na makiusap kay Department of Health Secretary Francisco Duque III tungkol dito,’ sabi ni Macalintal.

Sa kasalukuyan, kasali lang na may diskwento ang prescribed na gamot para sa mga senior citizens. “Mahigit 10 taon na ang Republic Act (R.A.) 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ngunit hindi pa rin kasali ang vitamins at food supplements na kinakailangan ng mga senior citizens upang maging masigla at gumaling sa kanilang karamdaman kahit na kasama ito sa Implementing Rules and Regulation ng nasabing batas,” paliwanag pa ni Macalintal.

Ang naging basihan ni Atty. Macalintal ay ang Rule III, Article 5.1 of the Definition of Terms in the Implementing Rules and Regulation of R.A. 9994, na nagsabi na, “Medicines – refer to prescription and non-prescription/over-the-counter drugs, both generic and branded, including VITAMINS and MINERAL SUPPLEMENTS medically prescribed by the elderly’s physician and approved by the DOH and the Food and Drugs Administration, which are intended for use in the diagnosis, cure, mitigation, treatment or prevention of human disease or sickness.  It does not include food, devices or their components, parts, or accessories.”

Si Atty. Macalintal at ang milyon-milyon na senior citizens sa bansa ang mabibiyahan kung matuloy na mabilang ang bitamina at food supplement sa medisinang may diskwento sa pagtulong ni Sen. Bong Go.

LATEST

LATEST

TRENDING