MAYNILA—Dalawang commercial ships ng pribadong kumpanya ay ginawang quarantine quarters para sa mga nagsisiuwiang Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga nasa front line.
Nalaman ito galing kay Admiral Joel Garcia, Commandant ng Philippine Coast Guard sa isang media interview na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News, nuong Lunes, sa mga ginawa ng opisina niya sa Covid-19 krisis.
“Malugod kaming nagpapasalamat sa 2Go company na pinahiram nila sa Philippine Coast Guard ang kanilang dalawang malalaking barko na nasa Manila bay para gamiting quarantine quarters sa mga OFWs at frontliners,” ayon kay Garcia.
Sinabi rin ni Admiral Garcia na lampas 1,000 ang mga OFWs, marami kanila mga seafarers, ang bumabalik sa bansa araw-araw na nangangailangan ng 14 na araw na quarantine alinsunod sa enhanced community quarantine (ECQ) guidelines sa Department of Health (DOH).
“May kapasidad na 1,900 ang isang barko, kasama nito ang kanyang mga opisyales at tripulante, ngunit mahigit 400 lang ang pwede nating tanggapin dahil sa patakaran ng social distancing,” sagot ni Garcia sa komentaryo na gumamit ng kumon na kwarto at palikuran ang mga OFWs sa barko.
Ayon pa kay Admiral Garcia na libre ang paggamit ng pasilidad at walang anumang babayaran ang OFWs sa panahon ng kanilang quarantine. “The Overseas Workers Welfare Authority (OWWA) takes care of the payment of the OFWs but there is food inside the ships that they can buy if they want to,” sabi niya.
Pahayag ng Admiral na naging abala ang lahat na sasakyang pandagat ng coast guard dahil sa pagdala nito ng kargamentong pang-medikal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa tulad ng personal protective equipment (PPE), testing kits, ventilators, at medisina.
“Dumating na rin ang BRP Gabriela Silang na galing pa sa France at ang 14 pang ibang sasakyang pandagat ng Pilipinas upang makakatulong sa Covid-19 pandemic response ng bansa. Maliban pa ito sa pagtulong natin sa Department of Tourism at sa Department of Foreign Affairs sa paglipat ng mga na-stranded na lokal at banyagang turista dahil sa ECQ,” sabi ni Garcia.