Sec. Dar: Tulong na Subsidy to Rice Farmers Project ipapamahagi ng DA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Inanunsyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nuong Lunes na mamimigay na ang kanyang kagawaran ng Php 5,000 na tulong sa mga magsasaka ng palay sa 34 na probinsya ng bansa na nabulabog sa Covid-19 pandemic. 

Ang tulong na ito na para sa mga magsasaka ng palay lamang ay umaabot ng Php 3.0-bilyon na kasama sa naaprubahan na Php 31-bilyon na supplemental budget para sa “Plant, Plant, Plant Program,” o ang “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) Laban sa Covid-19,” isang programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka, mamalakaya, at sa mga mamimili.

“Mag-uumpisa na ang pamamahagi namin sa isang beses na ayuda sa mga magsasaka ng palay na tig-Php 5,000 na galing sa Financial Subsidy for Rice Farmers project, sabi ni Sec. Dar.

Iginiit ni Sec. Dar na ang ayuda ay ipapamahagi sa 591,246 na magsasaka ng palay ng 34 na probinsya sa bansa na nakalista sa Updated Farmer’s Registry sa DA.  “Matagal na itong Farmer’s Registry at hindi mabigyan ng tulong na galing sa pundong ito ang mga nagsabi na rice farmer sila ngunit wala sa listahan ng DA. Kailangan nilang nagpalista nuon pa,” sabi ni Sec. Dar. Makig-ugnay din ang DA ubang hindi nag-duplicate ang mabibigya, patuloy pa ni Sec. Dar.

Kasali sa mga proyekto na pupundohan ng Php 31-bilyong supplemental budget ay ang Php 8.5-bilyon na “Rice Resiliency Project”, kung saan nanduon ang Financial Subsidy for Rice Farmers, na naglalayon na pataasin ang produksyon ng palay sa bansa sa kasulukuyang 87 porsyento hanggang 93 porsyento ng rice sufficiency level.  

Sabi ni Sec. Dar na ang nasabing programa ay makapagpalaki sa produksyon ng palay hanggang 22.12 million metric tons sa katapusan ng taong 2020, o 13.51 million metric tons na bigas o 93 porsyento sa kabuohang pangangailangan ng bansa na 14.46 million metric tons.

Gagamitin din ang supplemental budget para sa pagpalaki ng palay procurement fund of the National Food Authority; pagpapalapad ng SURE Aid and recovery project; pagpapalawig ng agricultural insurance project; social amelioration for farmers and farm workers; pagpaunlad sa KADIWA ni Ani at Kita direct marketing program; integrated livestock and corn resiliency project; expanded small ruminants and poultry project; coconut-based diversification project; fisheries resiliency project; revitalized urban agriculture and gulayan project; corn for food project, at ang strategic communications project.

LATEST

LATEST

TRENDING