Mayor Sara Duterte-Carpio kinondena ang pagpaslang ng 11 na sundalo; PNP at AFP tinuring silang mga bayani

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Labing isang sundalo sa Philippine Army ‘s 21st Infantry Battalion ay nasawi sa engkwentro sa Abu Sayyaf Group (ASG) na naganap sa Sulu nuong Biyernes.

Sa isang pahayag ng Philippine National Police (PNP) sa media at natanggap ng Banat Pilipinas News at Sandigan News, ay sinabi nito na “The officers, men and women of the Philippine National Police, under the command of Police General Archie Francisco F. Gamboa, join the Filipino nation in mourning over the loss of 11 of our brothers in arms in the Armed Forces of the Philippines who offered the ultimate sacrifice in an encounter with terrorists in Sulu yesterday.”

Sinabi din sa pahayag na “They did not die in vain—the cause they are fighting for is the lifelong commitment of all men and women in uniform who derive inspiration from the heroism of our fallen brothers to bring on the fight against the enemies of the state.”

Sa nakuhang ulat sa insidente, napag-alaman na nangyari ang atake sa kasagsagan ng operasyon ng mga sundalo sa pagsugpo ng Covid-19.  At ang yaong insidente ay nagpapakita ng kalupitan ng kalaban, “The incident exposes the monstrous and terroristic nature of Abu Sayyaf; this devil is worse of its kind,” sabi pa sa kanilang pahayag.

Nakasabakan sa mga sundalo ang 40 na miyembro ng ASG na pinamunoan umano ni Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan sa mahigit isang oras na bakbakan sa Barangay Danag kung saan 11 sa kanila ang nasawi at 14 pa ang nasugatan.  Walang detalye kung ilan ang nasawi sa panig ng ASG.

Agad na kinondena ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pangyayari na tinawag niyang “cowardly” at “inhuman” at nagbantang magbabayad ang mga salarin sa madaling panahon.

Nakikiramay din ang lokal na pamahalaan ng Davao City na nagbigay ng kanilang pahayag na “To the fallen soldiers, we salute you and your bravery. Your sacrifices shall not be forgotten.  Our prayers are with you.”

Ang PNP at ang Davao City ay nangakong magbigay ng suporta at tulong sa kanilang mga pamilya at segurohing ligtas ang mga nasugatan na nasa ospital ngayon.

Sa kabilang dako, nagkondena na rin ang Malacañang sa pangyayari at itinuring ng PNP at AFP na mga bayani ang 11 na nasawi sa kanilang katapangan sa pakikipagdigma para sa bayan.

LATEST

LATEST

TRENDING