Maynilad at Manila Water: Walang kakulangan sa tubig, walang pagputol ng linya sa ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—At tahimik lahat sa dalampasigan! 

Ang dalawang higanteng water concessionaires na Maynilad at Manila Water ay nagkasundo nuong Lunes, na walang kakulangan sa suplay ng tubig at walang ano mang pagpuputol ng linya ng tubig sa buong Metro Manila habang pinapairal ang lockdown dahil sa modified o enhanced community quarantine (ECQ).

Sa dalawang magkaibang radio-TV interview na binantayan ng Saligan News, nina Jennifer Lupo at Jeric Sevilla, heads of corporate communications ng Maynilad at Manila Water, pinanindigan nila na walang mangyayaring putulan ng linya ng tubig sa mga kustomer na hindi makakabayad ng kanilang bayarin sa panahon ng lockdown.

Bagama’t ang “Maynilad is giving another 30-day extension of water bill payment.  This is aside from the 60-day grease period that we are already giving to customers before a notice of connection is issued to them,” sabi ni Lupo.

Sinabi din niya na pag-uusapan pa sa kanilang opisyal ang paraan sa pagbayad upang maseguro na hindi sila mabibigatan sa laki ng kanilang bills pagkatapos ng lockdown.  “Pag-uusapan pa kung anong magaang paraan sa pagbayad ng aming kustomers sa bills nila,” pagtapos ni Lupo.

Sa kabilang dako, sinabi ni Sevilla ng Manila Water na sang-ayon siya sa sinabi ng Maynilad. Wala ring kakulangan sa tubig sa Metro Manila ngunit may mga water interruptions sa kanilang pag-aayos ng linya at sa paglagay nila ng apat na boosters upang mapalakas ang pressure ng tubig at makarating sa malayo. 

Aniya, wala masyadong nakitang pagbaba sa volume ng tubig sa pinanggalingan nito at makakaasa ang lahat na may tubig kahit hanggang matapos ang lockdown. “Wala namang nakikitang kakulangan sa tubig ngayon at napansin natin na nag-uumpisa nang umulan,” sabi ni Sevilla.

Payo ng Maynilad at Manila water sa mga kustomer na gusto nang magbayad na gamitin nila ang mga 

on-line payment facilities, internet applications, at ibang alternatibong paraan sa pagbayad na hindi kinakailangan ng physical presence. Nais nitong masunod ang “stay-at-home” guidelines ng Department of Health dahil sa nakikilabot na Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING