DILG nag-utos na ipasapubliko ang listahan sa nakatanggap ng ayuda sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Tulad sa sinabi ng isang organizational development expert na “honesty is the only policy” sa isang tutuong maunlad na organisasyon, ay ganun din ang ginawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa panawagan nito na maging bukas ang pagpamahagi sa pundo na galing sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan sa gitna ng Covid-19 krisis.

Si DILG Secretary Eduardo Año, na kasapi din Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging and Infectious Disease, nuong Sabado ay nag-utos sa mga punong barangays na isapubliko ang pangalan ng mga nakatanggap ng ayuda sa SAP sa kanilang barangay.

Sabi ni Sec. Año na dapat maglagay ng listahan sa mga makatanggap ng tulong sa barangay upang maseguro ang “honesty,” “transparency” at “orderly management” sa pundo ng programa na ibinigay sa pamahalaan at ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang naturang aksyon ni DILG secretary ay tugon ng kanyang ahensya sa mga sumbong na natanggap niya galing sa ibaba tungkol sa umanoy mga gusot sa pagpili ng mga makatanggap at sa proseso sa pagpamahagi ng tulong sa mga pamilya.  Ang lokal na pamahalaan ay direkta ring kasali sa pagpili at pagpamahagi nito.

Nuong Huwebes, hinimok ni DSWD USec. Luzviminda Ilagan ang mga mamamayan na isumbong ang ano mang nakita nilang anomaliya sa pagpili ng makakatanggap ng tulong at sa pagpamahagi nito sa kanilang mga opisyales sa barangay, o kaya, sa DSWD.  Ginawa niya ito dahil sa isang kaso na may nag-amok na residente ng Barangay 5-A sa Davao City dahil hindi niya nakita ang kanyang pangalan sa listahan ng kanilang barangay.

Nais ni Sec. Año na ilagay ang listahan sa lugar na madaling makita ng tawo tulad ng “barangay hall, city/municipal halls, public multi-purpose centers, gymnasium, social center, transport terminals, public markets, hospitals, health stations,” at iba pa.

 “It is very important to broadcast their lists so the citizens will be enlightened and well-informed that the priority recipients (of the SAP aid) are the poorest families who have no means to earn a living in the middle of the crisis”, sabi ni Sec. Año.

Patuloy ni Sec. Año na gusto niyang “makakaroon ng kumpleto at tukmang listahan ang mga local government units at kung hindi magkatukma ay kailangang gawan nila ng kaukulang aksyon at ipapaalam agad ito sa DSWD.” 

LATEST

LATEST

TRENDING