Mungkahi ng DSWD: Magtanong at magsumbong sa kalituhan at anomaliya sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: RMN Networks

MANILA—Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Luzviminda C. Ilagan, sa panayam sa radyo nuong Sabado ay nagmungkahi sa sino mang may tanong o may nakitang mali tungkol sa pagpamahagi ng pundo galing sa Social Amelioration Program (SAP) na magtanong at magsumbong sa pinakamalapit na opisina ng DSWD.

“Ang sino mang nagtanong kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong sa gobyerno kahit mahirap sila ay dapat pumunta muna sa kanilang barangay upang malaman kung nasa listahan ba sila at kung hindi pa sapat ang kasagutan ay pumunta sa DSWD within three days upang matulongan sa problema nila”, sabi ni USec Ilagan.

Nais na ipaalala ni Ilagan na ang SAP ay isang programa sa pamilya at hindi sa indibidwal na pinamumunoan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na kasama ang maraming ahensiya sa gobyerno pati na ang DSWD para masugpo ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa.

“Ang DSWD lang ang naging tulay sa pundo dahil ang pera ay ipinamahagi sa bararangay,” patuloy ni Ilagan.

Sa Virtual Presser ni IATF spokesperson CabSec. Karlo Alexi Nograles, nuong Biyernes, sinabi niya na mahigit Php 80 bilyon na ang naipamahagi sa mahigit 1,600 na mga local government units sa bansa sa tulong ng DSWD. Sabi rin ni Nograles na bukod nito, naibahagi rin ng DSWD nuong Huwebes ang Php 1.3 bilyon na “emergency assistance” sa 236,231 na mahirap na pamilya na hindi kasali sa 4Ps o “conditional cash transfer (CCT) program.”

Ayon kay USec. Ilagan na ang mga pamilya na nakatanggap ng ibang tulong sa gobyerno tuland ng CCT o 4Ps, sa Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, mga retirado at mga “persons with disabilities” na may buwanang pension ay posibleng hindi na makakatangap ng ayuda sa SAP.

Sabi ni Ilagan na ang programa ay nakalaon sa 18 milyon na “most affected families” ayon sa 2015 national census ngunit batid ng lahat na hindi na ito tukma ngayon dahil sa mga bagong ipinanganak, at bagong lipat kaya dinagdagan nito ang bilang ng 3 milyong pamilya. 

“Alam natin na hindi perfect and sistema natin dahil ngayon lang tayo nakakaranas ng ganitong uri na kalamidad kaya inaanyayahan namin kayo na magsumbong sa kinauukolan at i-review natin ito at ayusin ang mga gusot,” pangtapos na pahayag ni Ilagan.

LATEST

LATEST

TRENDING