Php 51B ipamahagi ng pamahalaan sa “middle class”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Sinabi ni Atty. Harry Roque, isang human rights lawyer, at nagbalik na presidential spokesperson sa isang press briefing nuong Martes, na maglagak ang pamahalaan ng Php 51 bilyon na pundo para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), na pinagmamay-ari ng tinatawag na “middle class” sa bansa. 

Pinalitan ni Roque si Sec. Salvador Panelo na ngayo’y pangunahing presidential counsel ni Pangulong Duterte.

Sabi ni Rogue na ang yaong pundo ay para sa 3.4 milyon na mga maliliit na negosyante sa bansa. “Ipamimigay ito na parang subsidy sa mga naapektohang negosyo upang makabigay tulong sa kanilang mga trabahante at makaahon sila sa kasalukuyang krisis na dala ng Covid-19.”

Ayon ni Roque, tatlong “aid packages” ang ibigay ng pamahalaan sa mga middle class.  Ang una ay ang pagbigay ng subsidy para sa sahod nga kanilang mga trabahante o “small business wage subsidy.”  Ang pangalawa ay ang pagbigay ng garantiya sa kanilang mga utang, at ang pangatlo ay ang pagbigay ng direktang tulong pinansyal o maluwag na pautang.  Iba pa ito sa natanggap nila na ayuda na galing sa pamahalaan gaya ng extension of filing of income tax, extension sa pagbayad ng utang at sa binabayarang upa.

Sinabi rin ni Roque na ang unang package ay ang pagbibigay ng Php 5,000 hanggang Php 8,000 na sahod sa mga trabahante na hindi kasama ang tulong na galing sa Social Amelioration Program para sa mga “poorest of the poor” na ginampanan ng Department of Social Welfare and Development. 

Magbibigay rin ng garantiya ang pamahalaan sa mga negosyante na may utang upang hindi maapektohan ang kanilang “credit rating” at upang masegurado na makabayad sila nito. At ang pangatlong package ay ang pagbigay ng direktang ayudang pinansyal o maluwag na pautang na Php 38- Php 51 milyon, hanggang bumalik ang sigla ng kanilang negosyo.

LATEST

LATEST

TRENDING