PRRD, inabisuhan ang anak na ‘i-account ang bawat pera’ bilang chair ng bagong House committee

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte

Inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Rep. Paolo Duterte, habang nagpapatuloy ang nakakatandang Duterte sa hakbang nito kontra kurapsyon.

Sa pagkakaluklok ng kanyang anak bilang chairman ng House Committee on Accounts, pinaalalahanan ng pangulo ang kanyang anak na i-record ang pagpasok at paglabas ng pera gaano man ito kaliit upang hindi makuwestyon ang integridad nito.

“Sa accounts siya ngayon, sa committee. Be sure to account for every money up to the last centavo para ang tao walang masabi,” giit ni Duterte sa isang taped speech na inere noong Oktubre 27.

Si Rep. Duterte ay hinalal na chairman ng nasabing komite noong Oktubre 13 sa ilalim ng bagong liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco. Hinahawakan ng House Committee on Accounts ang mga aktibidad hinggil sa internal budget of the House. 

Sa unang mga taon ng kanyang termino, inalok ni Pangulong Duterte na mag-resign kung mapapatunayang sangkot sa kurapsyon sa Bureau of Customs ang noo’y Davao City Mayor Paolo Duterte.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Duterte sa isa pa nitong anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Aniya, “Inday, wala ‘yan. Talagang hindi mo ma-ano ‘yan. Babarilin ka pa niyan.”

Sa parehong talumpati, ipinag-utos ng pangulo ang pagbuo ng isang multi-agency task force upang paimbestigahan ang lahat ng mga ahensya para sa katiwalian.

LATEST

LATEST

TRENDING