Baguio City, muling magbubukas para sa buong Luzon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakatakdang muling magbukas ang Lungsod ng Baguio para sa mga turista na manggagaling sa kahit anumang panig ng Luzon alinsunod sa pagpapagaan ng quarantine protocols kaugnay ng Covid-19 pandemic.

Sa anunsyong ipinaskil sa social media, sinabi ng Baguio City Public Information Office na ang “Ridge and Reef program” program ng lungsod ay magkakaroon ng expansion para tugunan ang mga babiyahe mula sa buong Luzon simula Oktubre 22.

Subalit, 200 na bisita lamang ang papahintulutang makapasok.

Only 200 visitors per day, however, will be allowed.

“The tourism program coverage expansion was recommended by the Baguio Tourism Council and the Hotel and Restaurant Association of Baguio and concurred with by city health officials subject to observance of health and safety protocols against Coronavirus disease,” pahayag ng Baguio PIO.

Unang pinayagan ng lungsod ang pagpapasok ng mga turista mula lamang sa norte.

Kinilala naman ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon, dahil makatutulong umano ang pagdagsa ng mga turista para sa mas mabilis na pagbangon ng tourism industry. 

Ang mga panibagong health at safety measures ay isasapinal kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Technical Working Group (TWG), ayon naman kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Papaluwagin din ang documentary requirements sa tinaguriang Baguio Visitor Information and Travel Assistance or VIS.I.T.A program, na nakatanggap na ng 2,000 registrations at tinatayng 200 travel requests simula noong ilunsad ito noong Setyembre 22.

Ang requirement para sa mga bisita na mag-book ng kanilang itineraries sa pamamagitan ng DOT-accredited tour agency ay optional na, subalit kailangan pa rin ng mga turista na mag-book sa isang DOT-accredited accommodation establishment.

 “Now that we have an actual visitor count, the city has an important reference point and valuable feedback on how to move forward from this initial opening period,” giit ni Puyat.

Pinondohan ng DOT ang VIS.I.T.A program ng Baguio City sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board (TPB) para suportahan ang muling pagbubukas ng lungsod sa mga turista, simula sa Ridge and Reef travel corridor na sakop ng mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, at Ilocos Norte.

Ayon kay Puyat, ang expansion ng greenlane upang maisama ang mga karatig-bayan tulad ng La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, at Tublay ay kasalukuyang tinutugunan ng DOT kasama ang kani-kanilang mga LGUs.

LATEST

LATEST

TRENDING