Nagdagdag ng dalawang oras ang Grab sa mga pagbiyahe nito sa Kalakhang Maynila, Cebu at Pampanga simula Setymebre 2. Ang bago nitong schedule ay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi, mas mahaba sa dating alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Gayunpaman, ipatutupad pa rin ang minimum protocol sa social distancing sa pamamagitan ng cashless payment sa pagbabayad ng pamasahe.
Maaari lamang magbayad gamit ang GrabPay at Credit o Debit Card.
Pinaalalahanan din ng Grab ang mga pasehero nito sa kanilang app, na mariing sundin ag mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pag-obserba sa social distancing.