Gamot na Dexamethasone, epektibo sa mga malulubhang kaso ng Covid-19 sa UK

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Maganda ang ipinakitang resulta ng gamot na dexamethasone sa paglaban nito sa Covid-19 bilang kahagi ng isanasagawang trial testing ng Oxford University sa United Kingdom.

Mahigit 50 taon nang ginagamit ang dexamethasone sa pagbibigay lunas sa arthritis, lupus, allergies, at kanser. Bagama’t may side effects, ligtas naman ito.

Ayon sa mga dalubhasa,  posibleng umabot sa 5,000 ang nailigtas ng buhay kung ginamit ang naturang gamot mula noong mag-umpisa ang pandemiya sa UK.

Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa mga mahihirap na bansang may mataas na bilang ng Covid-19 cases.

Ayon sa pamahalaan ng UK, aabot sa 200,000 ang suplay nito ng dexamethasone at tiniyak na ibibigay ito sa mga pasyente. Ikinatuwa naman ang pangyayaring ito ni Prime Minister Boris Johnson.

Ayon sa Chief Medical Officer for England na si Prof. Chris Whitty, marami ang mailigtas na buhay sa mundo dahil sa naturang gamot.

Aniya, 19 mula sa 20 pasyenteng may Covid-19 ang kusang gumagaling. Sa mga na-admit sa ospital, bagama’t karamihan ay gumagaling, may iilan pa ring mangangailangan ng oxygen o mechanical ventilation. Nakakatulong umano ang dexamethasone sa pagpapababa sa banta ng pagkamatay sa mga high-risk patients na ito.

Dati nang ginagamit ang dexamethasone upang bawasan ang implamasyon na dulot ng arthritis, asthma at ilang kondisyon sa balat.

Gayunpaman, hindi raw akma ang naturang gamot para mga Covid-19 patients na may katamtamang sintomas lamang o sa mga hindi nahihirapang huminga.

LATEST

LATEST

TRENDING