BOI target 1T investment ngayong 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Positibo ang gobyerno na makakamit ang P 1 trillion investment approval ngayong 2023.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), batay sa report ng Board of Investments (BOI), mayroon ng naaprubahang P414.3 bilyong kabuuang investment projects nitong February 9, 2023, mas mataas ng 142.9 percent kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.

Sinabi naman ni DTI Secretary Alfredo Pascual na mayroon pang potential investment leads na nasa P344 billion na kinakailangan pang iproseso “and more lilely than ever, we may have 80 to 90 percent of the target even before the middle of the year.”

Batay sa datos ng BOI, simula January 2023 hanggang February 9, ang malaking buslo ng naaprubahang pamumuhunan ay mula sa Germany (P157 billion), Netherlands (P 2.7 billion), Japan (P524 million), United States (P509 million) at United Kingdom (P194 million).

LATEST

LATEST

TRENDING