Marcos, inatasan ang DPWH na magsagawa ng agarang inspeksyon sa mga ospital, klinika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na unahin ang pag-inspeksyon sa mga ospital at health care facility sa Abra kasunod ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa lalawigan.

Do the inspections first of the public buildings. I think your priority will be quite right is the hospital, uunahin natin even before the government buildings, ‘yung mga offices, ‘yung mga ganoon. Unahin natin ‘yung ospital,” aniya sa isang situation briefing sa Abra.

Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, personal na sinuri ng chief executive ang kondisyon ng Abra Provincial Hospital at mga pasyente nito.

Let’s go first to the hospital, let’s go first to the clinics, the health care centers… then we can then go look at the government buildings after which we can, puntahan na rin natin ‘yung mga bahay ng mga tao para makita kung puwede na talaga sila — safe na sila,” dagdag niya.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development – Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR), may kabuuang 28 na ganap na nasira na bahay, habang 2,362 ang bahagyang nasira.

Sinabi ni DSWD-CAR Director Arnel Garcia na maaari pa ring tumaas ang bilang dahil nagpapatuloy pa ang assessment at hindi pa nasusuri ng mga awtoridad ang mga nasa labas na baryo.

Ito ay nabuo habang sinabi ng mga opisyal ng probinsiya na ang mga evacuation center ay itinayo sa mga bukas na lugar sa lalawigan.

Sinabi ni Department of Science and Technology Undersecretary at Philippine Institute of Volcanology and Seismology officer-in-charge Renato Solidum Jr. na maaaring bumalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan kapag nakita sa mga inspeksyon na ligtas ang mga istruktura.

Gayunpaman, nagbabala si Solidum na inaasahang magpapatuloy ang aftershocks sa loob ng ilang linggo.

People should be ready how to respond properly during aftershocks kasi malakas pa po ang posibleng aftershock,” aniya. 

LATEST

LATEST

TRENDING