DSWD maglalaan ng P6-M cash aid sa mga biktima ng lindol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Maglalaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng PHP6 milyong tulong pinansyal sa mga local government units at kanilang mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong Miyerkules.

The President has ordered me to give a firsthand report to him. Nakikita nya sa social media pero gusto nya yung tao nya mismo [ang mag-report],” wika ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa mga mamamahayag nitong Miyerkules.

Si Tulfo, kasama ang kanyang mga tauhan at Assistant Secretary Romel Lopez, ay bumisita sa Abra, ang pinakamahirap na tinamaan ng lindol, upang pangasiwaan ang sitwasyon sa lugar. Pumunta rin sila sa Vigan City sa Ilocos Sur.

The Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Armed Forces of the Philippines, and Philippine National Police are on the ground doing their duty for the people. Ibig sabihin nandito ang gobyerno, nakaalalay. It is our aim to make the victims feel like should have nothing to worry about, the President has instructed us to be proactive not reactive,” wika ni Tulfo.

Sa ulat ng DSWD, mahigit 2,000 food packs ang handa na para sa pamamahagi at karagdagang 5,000 packs ang idadala sa Abra.

Sinabi naman ni Lopez na ang PHP6 milyon na pondong inilaan para sa mga biktima ay gagamitin sa pamamagitan ng cash aid.

The department has already readied the PHP1 million for distribution, the other PHP5 million is being downloaded for augmentation today or tomorrow. Pang cash assistance siya para sa mga nasugatan nasiraan ng bahay etc.,” wika niya.

Aniya, ang DSWD ay mamamahagi ng PHP5,000 hanggang PHP10,000 bawat pamilya depende sa tindi ng pinsalang natamo.

Bukod sa cash aid, sinabi ng DSWD na naglaan sila ng mahigit PHP1 bilyon na standby funds at stockpile ng family food packs at iba pang food at non-food items para sa mga lumikas na pamilya.

LATEST

LATEST

TRENDING