Bongbong Marcos nanumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nanumpa si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa, na isang pagbabalik ng kanyang angkan sa pulitika at sa presidential palace, 36 na taon matapos mapatalsik ang kanyang ama noong 1986 People Power Revolution.

Nanalo si Marcos sa pambansang halalan noong Mayo na may mahigit 31 milyong boto.

Nanumpa sa tungkulin ang 64-anyos na si Marcos sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa National Museum sa Maynila. Bago iyon, pumunta siya sa Malacañang at nakipagusap sa kanyang hinalinhan na si Rodrigo Duterte, na ang termino ay minarkahan ng isang madugong “drug war” at isang mapangwasak na pandemya

Hindi inendorso ni Duterte si Marcos ngunit nanawagan siya sa mga Pilipino na suportahan ang bagong administrasyon. 

Ako si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ay taimtim na nanunumpa na tutuparin ko nang buong katapan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang pangulo ng Pilipinas at ipagtatanggol ang kanyang Konstitution, ipatutupad ang batas nito, magiging makatarunagan sa bawat tao at itatalaga ang bawat sarili sa paglilingkod sa bansa. Kasiyahan nawa ako ng Diyos,” wika ni Marcos. 

Kasama ni Marcos sa kanyang panunumpa ang kanyang asawang si Liza, at mga anak na sina Sandro, Simon at Vincent. Si Sandro ay congressman ng Ilocos Norte, ang posisyong nahalal ang kanyang ama nang siya ay bumalik mula sa pagkakatapon sa ibang bansa noong 1992.

Ang inagurasyon ay ilang araw matapos ibasura ng Korte Suprema ang disqualification at pagkansela ng mga kaso ng certificate of candidacy laban kay Marcos. Nauna nang sinabi ng kanyang kampo na ang kaganapan ay magiging “tradisyonal, solemn, at simple.”

Mahigit 18,000 pulis, sundalo, tauhan ng coast guard at iba pang force multipliers ang ipapakalat upang ma-secure ang parameter ng National Museum.

Priyoridad ng administrasyon ni Marcos ang pagharap sa inflation, pagpapalakas ng paglago, at pagpapataas ng produksyon ng pagkain.

Nanalo siya sa tulong ng malawakang kampanya sa social media at sa suporta ng mga pinakamalaking angkan sa pulitika sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING